Please enable JavaScript.
Coggle requires JavaScript to display documents.
Panitikan isinasatitik na pahayag - Coggle Diagram
Panitikan
isinasatitik na pahayag
Patula
- sinusulat nang pataludtod o pasaknong sa pamamagitan ng salitang binibilang ang pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma
Tulang Pasalaysay
Epiko
- isinasalaysay ang kabayanihan o pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao sa mga supernatural na kaaway
Awit
- lalabindalawahing (12) pantig sa bawat taludtod na nagsasalaysay sa mga taong mga makapangyarihan o nasa mataas na antas ng lipunan tulad ng hari, reyna, prinsipe, o duke at ang kanilang pakikipagsapalaran. Ang tagpuan nito ay ang kaharian. Binabasa ito sa paraang andante.
Korido
- wawaluhing (8) pantig sa bawat taludtod
Tulang Pandamdamin o Liriko
Soneto
- labing-apat (14) na taludtod at naghahatid ng aral sa mga mambabasa
Elehiya
- pagdadalamhati o pagpupuri sa isang namatay o naglalarawan sa pagbubulay-bulay sa kamatayan.
Oda
- walang tiyak na bilang sa pantig at walang tiyak na bilang ng taludtod. Ito ay nagpapahayag ng paghanga o papuri sa isang bagay.
Kantahin
- musikang magandang pakinggan at binubuo ng mga payak na salita at sukat
Dalit
- awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan, o pasasalamat sa Diyos
Tulang Pandulaan o Pangtanghalaan
Tibag
- paghanap at pagtuklas ni Santa Elena sa krus na kinamatayan ni Hesus. Tinitibag ang bahagi ng bundok upang hanapin ito. Ang dulaang ito ay sumisimbolo sa pagkakasauli sa mahal na Santa Krus sa bundok ng Kalbaryo at pagtatagumay ng mga pinunong Kristiyano laban sa mga hindi biniyagan.
Senakulo
- patungkol sa buhay, pagpapalasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo.
Moro-moro
- komedya na nagpapakita ng makasaysayang labanang ng mga Kristyanong Malay, mga Pilipino sa Luzon at Visayas, at mga Kastila laban sa mga Pilipinong Muslim.
Panunuluyan
- dula tuwing bisperas ng Pasko hinggil sa paghahanap ng matutuluyan nina Birheng Maria at San Jose sa Herusalem at pagsisilang Kay Hesus sa isang sabsaban.
Salubong
- pagtatagpo ng muling nabuhay na Panginoong Hesus at ni Birheng Maria
Sarswela
- komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog. May tatlong (3) yugto, at nauukol sa mga masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, paghihiganti, panibugho, pagkasuklam, at iba pa.
Karagatan
- nanggaling ang dulang ito sa alamat ng prinsesang naghulog ng singsing sa karagatan at nangakong pakakasalan ang binatang makakuha nito
Duplo
- paligsahan sa pagbigkas ng tula at pagdebate na isinasagawa bilang paglalamay sa patay. Ginagawa ito sa ika-9 na araw ng pagkamatay.
Dalit
- pag-aalay ng bulaklak kasabay ng pag-awit bilang handog sa Birheng Maria
Prosa
- maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay sinusulat sa karaniwang takbo ng pagpapahayag.
Alamat
- pinagmulan o kakumbakitan nga mga bagay-bagay
Anekdota
- isinasalaysay ang mga kakaiba o kakatuwang nangyari sa buhay ng isang sikat o kilalang tao
Nobela
- o kathambuhay. Mahabang kuwentong piksyong hinahati sa iba't ibang kabanata
Pabula
- tauhan ay mga hayop
Parabula
- maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya
Maikling Kuwento
- hinggil ito sa isang mahalagang pangyayari kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon lamang
Dula
- salaysay na hinahati sa pamamagitan ng mga yugto at kadalasang itinatanghal sa teatro
Sanaysay
- komposisyong kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda
Talambuhay
- kasaysayan ng buhay ng isang tao batay sa mga tunay na impormasyon
Balita
- kasalukuyang kaganapan sa labas at loob ng isang bansa
Kuwentong Bayan
- likhang isip na mga tauhang kumakatawan sa mga uri ng mamamayan. Tumatalakay din ito sa mga suliraning panlipunan
Talumpati
- paglalahad ng mga kaisipan o opinyon ng isang tao nang pasalita hinggil sa isang napapanahong paksa. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay kaalaman o impormasyon, at maglahad ng isang paniniwala.