Please enable JavaScript.
Coggle requires JavaScript to display documents.
PAMBANSANG KAUNLARAN (KELVIN) - Coggle Diagram
PAMBANSANG KAUNLARAN (KELVIN)
Anong kaganapan sa kasalukuyan ang iyong naririnig?
Ukraine Vs Russia
Ang Pilipinas po ay nakakaranas ng sunod sunod na bagyo at nabalita po kailan lang na may matinding landslide na bumawi sabuhay ng karamihan.
Nasirang taniman
Pagkawala ng kita
Pagbaba ng Supply
Tension sa pagitan ng Ukraine at Russia. Nagdulot ito ng pagkababa ng supply ng langis at pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Naghirap ang mga tao at nakaranas sila ng economic depression. Patuoy pa rin ang implasyon hanggang sa kasalukuyan.
Pagkalat ng Omicron XE subvariant
Hindi pa ito kumakalat sa Pilipinas, ngunit kumakalat ito sa mga ibang bahagi ng Europa.
Isa sa aking naririnig ay ang muling pag-usbong ng virus o pag papatuloy ng pandemya sa mundo.
Isa sa mga kaganapan na aking naririnig ay ang pagluluwag o ang pagbubukas ng mga establishimento.
Bumaba na sa Alert Level 1 ang lockdown restrictions ng maraming munisipalidad dito sa bansa.
Nagbukas na ang Pilipinas sa mga dayuhang investors sa pagbaba ng Alert Level 1 para sa dahan-dahang pagbangon ng ekonomiya ng ating bansa.
Bumababa na ang kaso ng Covid-19 sa mga nagdaang araw sa tulong ng vaccine at sa patuloy na pagtatrabaho ng mga doktor. ngunit malaki pa rin ang posibilidad na muling kumalat ang sakit.
Pagbabalik sa face to face next school year.
Omicron sa china
Magulo ang estado ng China sa kasalukuyan dahil sa omicron varinat. Ang mga pasyente sa loob ng mga opsital ay sa labas na pinapatuloy dahil sa sobrang dami ng apketado. Nagkakaubusan na din sila ng supply ng pagkain.
Politika
para sakin, kung pipili tayo ng kandidato na aasahan natin sa pamumuno ng pilipinas, mas maganda kung titignan natin ang kanilang kredibilidad, mga plataporma, at ang mga nagawa nila sa nagdaang taon bilang parte ng senado.
Dahilan kung bakit nauudlot ang magagandang Programa ng Bayan. Kaya naiiwan ang mga nasa laylayan
Mayroong isang kumakandidato bilang presidente na nais pababain ang presyo ng bigas kada kilo nang hindi iniisip ang magiging kita, effort, salik na ginagamit ng mga magsasaka upang makapagprodyus ng bigas.
Kung hindi maayos ang mapipiling opisyal, maaaring wala silang magawa na makakatulong sa pag-unlad ng bansa.
Walang sektor sa ating lipunan ang hindi nasasangkot sa mga anomalaya tungkol sa pera at iba pang hindi kanais-nais na mga gawain. Wala ng solusyon ang korapsyon, bagkus ito ay lalong lumalala.
Ang pagpupulong ng limang presidential candidates upang ipagwithdraw si vice president Leni Robredo.
Climate change
Ang kaganapan sa Pilipinas ay isa sa mga pruweba na ito ay totoo dahil kasulukuyan na summer ngayon ay nakakaranas tayo mga bagyo na kakaiba sa nakalipas na panahon. Isa rin dito ang landslide na nagaganap.
Base sa aking mga naririnig, ang ating planeta ay makararanas ng malubhang pagbabago ng klima kung hindi natin tutulungan ang ating mga sarili sa 3-5 na taong natitira upang mapigilan ito.
Ang mga kaganapan na aking naririnig sa kapaligiran ay ang mga pagbabago sa klima at nagkakaroon ng problema sa kalikasan gawa ng burning fossils, polusyon, at iba pa.
Isa sa mga dahilan kung bakit nasisira ang ating kapaligiran ay dahil sa pagsusunog ng fossils. Kapag nagsunog ka ng fossils ito ay nageemit ng iba't-ibang gases na nakakasira sa ating kapaligiran. Isa na rito ang nitrogen oxide na labis na nakakaapekto sa ating atmosphere at nagdudulot ng acid rain.
Ang pagbaha at mga landslide na naganap lang noong mga nakaraang araw dulot ng bagyong Agaton
Bilang mag-aaral, ang magagawa ko tungkol sa climate change ay mag spread ng awareness or infos ukol sa kasalukuyang nagaganap sa mundo, maari din tayong tumulong sa pamamagitan ng pagkakaroon ng bagong Sistema kung paano matutugunan nang maayos ang bagay-bagay na hindi nadudulutan ng masama ang kapaligiran.
Isa sa aking mga naririnig ay ang #LetEarthBreathe
Para hindi matuloy ang climate change sa mundo, kailangan nating magtanim ng mga puno, gumamit ng mga eco-friendly na mga gamit o kaya'y ang paggamit ng app na ecosia.
Kaganapan sa climate change na nagaganap hindi lamang sa Pilipinas ngunit sa buong mundo. May mga scientist na nagprotesta rito ngunit kinulong ng pulis at gobyerno kaya naman ang mga mamamayan na gustong makatulong ay ginagawa ang kanilang kakayahan kahit maliit lamang upang itigil ang pagusbong ng global warming.
Bilang isang mag-aaral, ano ang magagawa mo?
Climate Change
Maari tayong makatulong sa pagsugpo ng climate change sa pamamagitan ng pagbawas ng ating carbon footprint
Ang magagawa ko para sa isyung mga nabanggit ay tumulong sa kalikasan upang maprotektahan natin ang ating likas na yaman pati na rin ang sarili nating Earth. Sasabihan ko rin na iba sa mga bagay na di dapat gawin na makakaapekto sa ating kalikasan.
Bilang isang mag-aaral, maaari akong gumamit ng app na ecosia kung kailangan kong magsaliksik dahil kung madami na akong nasearch gamit ang ecosia, makakapagdagdag tayo sa mga natanim na mga puno.
Sa paraang pagdedelete ng mga useless emails, pagtatanim, at pagsasave ng kuryente at tubig na makakatulong sa pagsugpo sa climate change.
Bilang isang mag-aaral, ang maggagawa ko po lamang dito ay, dapat po nating sundin ang mga ipinapaggawa ng ating pamahalaan o gobyerno na nakakatulong din sa atin upang mas maging maayos ang ating pakikilahok sa mga nangyayaring mga krisis o sakuna na nangyayari sa ating bansa maging sa buong mundo.
Bilang isang mag-aaral, ay makakatulong ako sa pamamagitan ng pagpapakalap ng tamang impormasyon at pakikilahok sa mga programa na magpapabuti sa mga problemang hinaharap natin.
Bilang isang mag-aaral, dapat ay alamin ko kung ano ang mga totoong impormasyon dahil mayron akong access sa social media at teknolohiya.
Bilang isang mag-aaral, maaari nating ibahagi sa ating mga social media accounts ang mga impormasyong makakatulong sa mga tao at kung mayroon mang mali sa kanilang ibinabahagi, maaari natin silang sabihan kung ano ang tama at ipapaliwanag natin kung anong parte ng kanilang ibinahagi ang may pagkakamali.
Bilang mag-aaral, maari kong gamitin ang aking platform upang magbigay o ibahagi ang aking kaalaman ukol sa nangyayari sa ating mundo lalo na’t ngayong isang malaking isyu ang tungkol sa Global Warming. Maaari ko rin gawin ang maliliit na hakbang upang sugpuin at iwasan ang lalong pagkalat nito sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa ating kapiligiran.
Isa sa mga magagawa ko para sa pambansang kaunlaran ay ang pagsali sa mga kooperatiba lalo na sa mga nakakatulong sa ating kapaligiran dahil isa ito sa mga sikat na isyu ngayon.
Maari rin akong mag fact check upang tignan kung tama ang. At gumamit ng mga legal sources.
Kahit na mag-aaral lamang ako, maaari kong gamitin ang aking boses upang maging aware sila sa mga issue na nangyayari ngayon sa ating paligid.
Anong mga nakikita mo na nagawa ng mga dating administrayon?
Sa aking palagay po, lubusang napaunlad ng mga dating administrasyon ang Pilipinas ngayon dahil binigyan nila ng pansin ang sektor ng agrikultura.
Isa sa mga ito ay ang mga programang pang-kapaligiran na pinamunuan ni Former Secretary Gina Lopez, na may layong pasarahin ang mga ilegal na mga mina at pagtrotroso.
paglaban sa kriminalidad at ilegal na droga
Job programs
Ngayong pandemya, nagbibigay ang mga pamahalaan ng mga trabaho para sa mga taong nawalan ng trabaho ngayong pandemya.
Pabahay para sa mga mahihirap.
Pag impliment ng Expanded Value-Added Tax (EVAT).
Build Build Build Project
Renewable Energy Development
Pagpapatayo ng mga skyways na nakakatulong sa mga mamamayan upang mas mapadali ang pagpunta nila sa iba't ibang lugar.
Ang pagbibigay ng mga libreng dialysis sa ating sambayanan na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng kabuoang kalusugan nating mga Pilipino.
Ang mga ipinapatayo na mga imprsatraktura na mag-uugnay sa mga lugar na malalayo sa isa't isa upang magkaroon ng mga benepisyo sa karamihan.
Ang mga nakita kong nagawa ng dating administrasyon ay ang paglalaan ng mga pondo upang suportahan ang iba't ibang sektor ng agrikultura. Isa sa mga halimbawa nito ay ang Republic Act 11524 kung saan naglaan ng P100B para sa pag-unlad ng mga coconut farming at magniyoniyog.
Edukasyon
Isa po rito ay ang libreng edukasyon. Sa ngayon po ay maraming bata at matatandang mag-aaral ang nakakagamit nito.
Pagtutuon ng pansin sa kalusugan ng mga mamamayan. Naisasalamin ito sa pagpapatupad ng iba't ibang programang pangkalusugan katulad ng mga breastfeeding program, blood donation program at dengue prevention and control program
Ano ang mabango at hindi kanais-nais na amoy sa inyong komunidad?
Ang mabango sa aming komunidad ay marami na ang nagkakaroon ng mga magagandang trabaho kung kaya't natutugunan na nila ang kanilang pangangailangan. Subalit marami pa rin ang naghihirap at nagugutom dahil sa napaka taas na standard sa pagkuha ng mga mangagawa. Maraming mga opisina ang naghahanap ng highschool graduate upang matanggap ka ngunit marami pa ring mga Pilipino ang walang sapat na pera upang makapag-aral. At ito ay nakaapekto ngayon dahil di rin sila makapagtrabaho.
Mabango: Nagtutulungan ang aming komunidad lalong-lalo na sa mga libre programa gaya ng open pantries atbp.
Mabaho: Sinisiraan ang mga ito dahil sa pagkukumpe-kumpetensya
Para po sa akin, isa ang amoy ng pagkakaisa ng mga mamamayan sa mga kanais-nais na amoy sa komunidad. Habang ang amoy ng mga tulisan at mga pasaway na mga indibidwal ang siyang isa sa mga hindi kanais-nais na amoy.
Ang hindi kanais-nais na nangyayari sa aming komunidad ay mayroon pa rin mga tao na gumagamit ng illegal na droga.
Mabango - Isa po rito ay ang tamang pamamalakad ng aming kinauukulan. Sa tingin ko po, mas umayos naman po ito kumpara noon.
Hindi kanais-nais na amoy - May mga nakatira pong nakikikonekta sa kable ng kuryente o paglalagay ng jumper para lamang magkaroon ng supply ng elektrisidad.
Ang maganda sa aming komunidad ay ang pagreach out ng mga opisyal sa mga kabahayan kung ano ang kanilang mga kailangan. Ang hindi ko naman nais dito ay ang walang tamang pagtatapunan ng mga basura.
Sa aming komunidad, maayos na naalagaan ang mga puno at halaman ngunit kalat kalat ang mga basura dito.
Ang mabango sa aking komunidad ay ang pagbibigay ng ayuda nang makatarungan. Ang hindi ko nais ay ang politcal dynasty.
Ang mabango sa aming komunidad ay ang tamang pamamahala ng aming mga pinuno sa pamamagitan ng pagbibigay ng ayuda, pakikinig sa mga hinaing at inaaksyunan agad, at higit sa lahat ay hindi corrupt ang namamahala sa aming komunidad.
Ang napansin kong maganda/mabango sa aking komunidad pagmamalasakit ng mga kinabibilangan nito sa isa't isa. Sa tuwing may mga okasyon o kaya may krisis, laging may donation drive at volunteer programs na maaring salihan. Ang mabaho naman rito ay ang hindi pagsusunod ng mga batas na ipinapatupad sa komunidad na nagiging sanhi ng maraming problema sa kasalukuyan
Ang mabango sa aming komunidad ay ang madalas na pag-ikot ng truck ng basura upang mangolekta, at pag-iikot ng mga tauhan ng baranggay upang magsurvey ukol sa SAP at kalusugan.
Ang hindi kanais-nais na amoy sa ating komunidad ay ang hindi pagkakaisa ng mga tao dahil sa ihahalal na eleksyon.
Ang mabango o kaaya-aya sa aming komunidad ay ang prayoridad ng mga namumuno sa aming kalusugan lalo na ngayong nagkaroon ng pandemya habang ang ‘di naman kaaya-aya ay ang pamumuno ng ibang officials dahil ang iba ay ginagawa itong pribilehiyo upang mas magkaroon ng hawak sa aming subdibisyon kaya madalas nagkakaroon ng ‘di pagkakaunawa sa’ming komunidad.
Nitong pandemya, mayroon tayong programang SAP kung saan makakakuha ang bawat pamilya ng pera. Ngunit ang ibang pamilya ay umuulit-ulit sa pagkuha ng pera kaya ang ibang pamilya ay hindi nakakakuha ng pera.
Mabango: May mga programang ipinatutupad na may kaugnay sa relihiyon tulad ng simba tuwing Linggo at Simbang Gabi.
Hindi kanais-nais na amoy: May mga taong hindi nagbabayad ng mga fees para sa mga proyekto tulad ng para sa ilaw at security.
Isa sa hindi kanais nais na amoy sa aming barangay ay ang pagiging 'plastic' ng ibang opisyal. tumutulong lamang sila sa mga mamamayan kapag malapit na ang eleksyon at kapag natapos na ang eleksyon ay hindi nila gagawin ang kanilang trabaho.
Isa sa nakakapagpabango sa ating komunidad ay ang pagtrato ng lider sa bawat isa sa lugar ng pantay-pantay. Lahat ay nabibigyan ng mga goods na dapat para sa kanila.
Mabango para saakin ay ang pagtutulungan po namin napansin ko po na dahil po yun sa good governance at actibong partisipasyon ng bawat isa yun nga lang po ang di kaaaya aya sa sobrang magkakalapit ng tao ay araw-gabi maingay po siya.
Bakit naiiba ang pagkonsumo mo sa iba? Kung bibigyan ka ng pagkakataon, ano sa mga paborito mong kinokonsumo ang ibabahagi mo sa iyong kapwa, at bakit?
Paniniwala at Kultura
Mahalaga po ang bawat paniniwala at kultura naniniwala din po ako na mas maganda ibahagi para alam nila kung ano po ang saatin at sakanila magrespetuhan po at para aware sila at di po maoffend if ever may nais siyang pasubok na against sa paniniwala po natin.
Naiiba po ang pagkonsumo natin sa iba dahil iba-iba rin ang ating mga pangangailangan. Kung ako naman po'y bibigyan ng pagkakataon, ang paborito kong kinokonsumo na ibabahagi sa kapwa ay bigas. Ang mga Pilipino ay nakasanayan na ang pagkonsumo nito ngunit hindi lahat ay nagkakaroon ng access sa mga ito.
Nais kong ibahagi ang mga prutas na aking paborito sa aking kapwa dahil ito ay masarap , masustansya na bagay ngayong tag-init. Pati na rin ang gulay dahil maraming luto ang pwede dito.
Dahil iba-iba rin ang ating kayang ipagbili. May mga taong mas afford ang ibang produkto o brand. Ang nais kong ibahagi sa lahat ay ang tubig dahil isa ito sa mga basic na ating pangangailangan.
Ang paborito kong kinokonsumo ay mga libro. Nais ko rin po ito ibahagi sa aking kapwa dahil sa tingin kong importante ang pagiging maalam para rinmakatulong sa mga kabataang walang access sa edukasyon
Link Title
Dahil iba iba ang mga kagustuhan at iba din ang estado sa buhay. Ito po ay ang mga noodles at mga canned goods dahil ito ay pantawid gutom.
Para sa akin, pagkain. Nakikita ko na maraming nakakaranas ng kahirapan ngayon lalo na sa pandemya. Kaya kung mabibigyan ako ng pagkakataon, ito ang ibibigay ko.
Naiiba ang kinokonsumo ko kumpara sa ibang tao dahil iba-iba ang pangangailangan namin. Iba-iba ang mga interes at gusto namin para sa aming sarili. Ang paborito kong kinokonsumo na gusto kong ibahagi sa iba ay ang sobrang pagkain at damit na maaari ring magamit ng ibang nangangailangan.
Naiiba ang pagkonsumo ng iba't ibang tao sapagkat magkaiba tayo ng mga preference at pangangailangan. Kung may nais ako ibahagi sa aking kinokonsumo ay ang mga produkto na eco-friendly. Katulad na lang ng paggamit ng wooden scrub sa paghugas kaysa sa sponge.
Naiiba ang pag-konsumo ko sa iba dahil hindi lahat ay may kakayahang ma-afford ang lahat ng mga maaaring ikonsumo.
Magkakaiba ang mga tao kaya iba't iba rin ang kanilang pangangailangan at kagustuhan. Isa sa mga paborito kong kinokonsumo na serbisyo ay scholarship dahil marami sa mga bata ngayon ang hindi nakakapag-aral dahil sa kakulangan sa pera.
Naiiba ang ating pagkonsumo dahil sa ating mga pangkalusugan na pagkakaiba, tulad na lamang ng allergies.
Nagiiba-iba ang pagkonsumo ko kumpara sa iba, Kung ako ay bibigyan ng pagkakataon, ang ibabahagi ko ay ang gasulina dahil may mga residente s aiba't ibang dako ng ating bansa na hirap at hindi nabiyayaan ng gasulina, bagama't may mga punong kahoy ay makakuha sila ng apoy gamit ang manwal na proseso, iba parin ang may gasulina.
Sa tingin ko po kung may pagkakataon akong maibahagi ang mga kinokonsumo ko sa ibang tao, ay ito po ay ang aking mga personal na interes na mga bagay at dito malalaman ko na naiiba ang kinokonsumo sa akin ng aking kapwa dahil sa pansariling interes, pangangailangan, at kakayahan sa pagbili.