Please enable JavaScript.
Coggle requires JavaScript to display documents.
Akademikong Sulatin - Coggle Diagram
Akademikong Sulatin
Halaga ng Datos
Nakasalalay ang tagumpay ng akademikong sulatin sa datos. Maituturing na pinakamahalagang yunit ng pananaliksik ang datos ng anumang akda. Kung walang datos, walang isusulat, susuriin, o sasaliksikin. Nahahati sa dalawa ang pinagkukunan ng datos: primarya o pangunahing sanggunian at sekondaryang sanggunian.
-
-
Angkop na Layunin
Ang layunin ang magtatakda ng dahilan kung bakit nais makabuo ng akademikong sulatin. Nakapaloob sa layunin ang mithiin ng manunulat kung nais na magpahayag ng iba’t ibang impormasyon kaugnay ng, katotohanan, manghikayat na paniwalaan ang argumentong inilalahad, suportahan o pasubalian ang mga dati nang impormasyon, at iba pang layuning nakaugat sa dahilan ng pagbuo ng akademikong sulatin.
:Komprehensibong Paksa
Batay ito sa interes ng manunulat. Kung ang pagsulat naman ay itinakdang ipagawa, madalas nakabatay ang paksa sa isyung napapanahon na may kaugnayan sa mga usaping panlipunan batay sa aspektong pangkabuhayan, pampolitika, pangkultura, at iba pa. Mahalaga ang gampanin ng paksa sa kabuuan ng akademikong sulatin. Sa paksa mag-uumpisa ang pagpaplano upang maisakatuparan ang makabuluhang akademikong sulatin.
Gabay na Balangkas
Magsisilbing gabay ang balangkas sa akademikong sulatin. Gabay ito upang organisahin ang ideya ng sulatin. May tatlong uri ng balangkas: balangkas na paksa, balangkas na pangungusap, at balangkas na talata. Sa tulong ng pagbabalangkas, napadadali ng manunulat ang kaniyang pagsulat ng sulatin. Kadalasan ang balangkas din ang nagiging burador ng anumang sulatin. Ang paunang balangkas ang magiging batayan sa pagrerebisa ng pinal na sulatin.
Epektibong Pagsusuri
Bahagi rin ng isang komprehensibong akademikong sulatin ang pagsusuri. Upang maging epektibo, lohikal ang dapat na gawing pagsusuri. Hindi makahihikayat ng mambabasa ang isang akademikong sulatin kung ang nilalaman nito ay. nakabatay lamang sa pansariling pananaw ng sumusulat. Kailangang lagpasan ang opinyon at mapalutang ang katotohanan. Ang pagsusuri ay nakabatay sa ugat o sanhi ng suliranin at nagpapakita ng angkop na bunga kaugnay ng implikasyon nito sa iniikutang paksa.
Tugon ng Konklusyon
Taglay ng konklusyon ang pangkalahatang paliwanag sa nais na maipahayag ng akademikong sulatin. Makikita sa konklusyon ang kasagutan sa mga itinampok na katanungan sa isinulat na pag-aaral. Kadalasang nasa anyong pabuod ang konklusyon na binuo batay sa natuklasang kaalaman. Mula sa konklusyon, huhugot ng payo o rekomendasyon tungo sa bago o pagpapatuloy ng isinagawang pag-aaral o akademikong sulatin.