Ms, sa tingin ko po, kaya po may ganito, syempre po kasi lahat naman po tayo hindi po natin kaya na mag-isa lang po tayo. Kahit ‘yung mga bansa rin po, hindi rin po nila kayang mag-isa lang po sila. So, parang, nagtutulungan po tayo or nakikipagugnayan para po ma-supply po kung ano po ‘yung kulang sa isa’t-isa. Kunwari po sa Pilipinas po, kulang po sila sa mga langis po, so, ‘yung ibang bansa po, pwede po silang magbigay sa bansa po natin at sa ibang bansa rin po na nangangailangan. Vice versa, tayo rin po, pwede rin po tayong magbigay sa kanila kung ano po yung produktong marami sa atin kagaya po ng manga at bigas po so, parang tulungan lang po talaga para wala pong malugi or bumagsak na ekonomiya.
Ma. Janel M. Conde
(06/29/21)