Please enable JavaScript.
Coggle requires JavaScript to display documents.
Mga Tungkulin Bilang Nagdadalaga o Nagbibinata - Coggle Diagram
Mga Tungkulin Bilang Nagdadalaga o Nagbibinata
Bilang Mananampalataya
Isabuhay ang iyong pananampalataya sa iyong gawain sa araw-araw
Gamitin ang iyong oras sa mga bagay na makabuluhan tulad ng pananalangin
Manalangin bilang papuri, pasasalamat, at pag-aalay sa Diyos ng lahat ng ating mga gawain.
Bilang Mag-aaral
Pagbigyan ng panahon at pagsisikap ang iyong pag-aaral at gamitin ang mga talento at kakayahan upang mapabuti ito.
Gamitin ang lahat ng iyong kakayanan at tuklasin ang gawain sa paaralan na iyong kawiwilihan salihan
Humanap ng mga paraan para suportahan ang “Student Government” at mag isip kung sa paanong paraan mabibigyan ng karangalan ang iyong paaralan
Alamin ang iyong inaasahan sa hayskul
Mag-aral nang mabuti at sikaping magkaroon ng masidhing pagnanais na matuto upang mapataas ang iyong mga marka.
Gamitin ang kakayahang makipag talastasan nang buong husay at pagyamanin ang kakayahan sa pag-iisip
Bilang Konsyumer ng Midya
Maging maalam kung ano ang iyong tatanggapin at paniniwalaan. Dagdag pa rito, maging mapanuri sa kung ano ang iyong panonoorin at alamin ang maaaring maging epekto nito sa iyo
Huwag pabayaan ang iyong pag-aaral dahil sa pag gamit ng midya
Pag-aralan ang mga bagay at ang magiging bunga bago magpasya o pumili.
Gamitin ang midya ng may pananagutan
Bilang Mamamayan
Pangalagaan ang maayos at malinis na pamahalaan;
2.Makibahagi sa gawain ng pamayanan kasama ng iba pang miyembro nito;
Magkaroon ng pagkukusang maglingkod sa pamayanan;
4.Maging mulat sa pangangailangan at suliranin ng ibang tao sa pamayanan at iparating ito sa pinuno ng pamayanan;
5.Maging tapat sa kinabibilangang pamayanan;
Makibahagi sa mga pagpupulong sa pamayanan kung kinakailangan;
Sumali sa mga samahang pangkabataan at ilaan ang sarili bilang maging mabuting tagasunod kung hindi man maging mabuting pinuno at;
Makibahagi sa kampanya upang tulungan ang pamahalaan, paaralan, at samahan sa kanilang mga proyekto.
Bilang Tagapangalaga ng Kalikasan
Tumugon sa panaghoy at pangangailangan ng Inang Kalikasan
Ibahagi sa mga kasama sa tahanan ang mga kaalaman na natutunan sa paaralan
Ilapat sa buhay ang anumang natutuhan sa paaralan lalo na sa siyensya
Palawakin ang kaalaman ukol sa pagbabago ng klima pati narin ang epekto at solusyon sa lumalalang suliranin na bunga nito
5.Tumulong upang mabawasan ang polusyon sa hangin, lupa, at tubig.
Makibahagi sa proyektong pampamayanan o bumuo ng samahan ng mga kabataan na tutulong upang mabawasan ang suliranin sa maruming hangin at paligid
Kausapin ang mga kaibigan upang makiisa sa gawaing pangkalikasan
Maging matalino sa pagtanggap ng mga impormasyong dulot ng media ukol sa kalikasan
Bilang Kapatid
Huwag hayaang magtagal at maipon hanggang sa lumaki ang mga mabubuong hindi magagandang damdamin sa pagitan ninyong magkakapatid
Huwag hayaang maging malayo ang loob niyo sa isa’t isa ng dahil sa selos. Sa halip ay bumuo ng mabuting pakikitungo sa bawat isa.
Ipaglaban ang iyong kapatid kapag inaapi ng ibang tao
Sa Sarili
Paunlarin ang angking Talento at Kakayahan at Wastong gamitin ang mga ito.
3.Gamitin ang mga Hilig sa makabuluhang pamamaraan
1.Harapin at Wastong Pamahalaan ang sariling Pagbabago sa Yugto ng Pagdadalaga/Pagbibinata
Bilang Anak
Makibahagi sa iyong pamilya at sa tahanan
Mag-aral upang makatapos
Mahalin, igalang, at pagkatiwalaan ang iyong mga magulang.
Maunawaan ang halaga ng pagbuo ng isang magandang ugnayan sa iyong mga magulang.
Maging maingat sa iyong paggastos
Panatilihing malinis at maayos ang iyong sariling silid
Ibahagi ang iyong pananaw at saloobin at pakinggan ang saloobin ng iba upang kolektibong makabuo ng pasya.