Please enable JavaScript.
Coggle requires JavaScript to display documents.
CBDRRM PLAN - Coggle Diagram
CBDRRM PLAN
UNANG YUGTO
:
DISASTER PREVENTION AND MIGRATION
Vulnerability Assessment
Tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard.
Hazard Asessment
Tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon. Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.
Capacity Assessment
Tinataya ang kakayahan ng komunidad na harapin ang iba't ibang uri ng hazard.
Risk Assessment
Tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad, at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan.
IKALAWANG YUGTO:
DISASTER PREPAREDNESS
Ito ay may tatlong layunin
To advise – magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksiyon, paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard.
To inform – magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal na katangian ng komunidad.
To instruct – magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na dapat puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tulong sa oras ng sakuna, kalamidad, at hazard.
Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard.
IKATLONG YUGTO: DISASTER RESPONSE
Sa pagkakataong ito ay tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad.
Nakapaloob sa Disaster Response ang
tatlong uri ng pagtataya:
Lost Assessment – tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo at pansamantala o pangmatagalan pagkawala ng produksiyon.
Damage Assessment - tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng kalamidad.
Needs Assessment – tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit at gamot.
I
KAAPAT NA YUGTO: DISASTER REHABILITATION AND RECOVERY
Sa yugtong ito ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalng pangunahing serbisyo manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang nasalantang komunidad.
Mga Halimbawa
Pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon
Supply ng tubig at kuryente :
Pagkumpuni ng bahay
Sapat na suplay ng pagkain, damit, at gamot.