CBDRRM PLAN
CAPACITY ASSESSMENT
Sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anomang hazard. Mayroon itong tatlong kategorya: Ang Pisikal o Materyal, Panlipunan, At pag-uugali ng mamamayan tungkol sa hazard.
Sa Pisikal o Materyal na aspekto, sinusuri kung ang mga mamamayan ay may kakayahan na muling isaayos ang mga istruktura tulad ng bahay, paaralan, gusaling pampamahalaan, kalsada at iba pa na nasira ng kalamidad.
Sa aspektong Panlipunan naman, masasabing may kapasidad ang isang komunidad na harapin ang hazard kung ang mga mamamayan ay may nagtutulungan upang ibangon ang kanilang komunidad mula sa pinsala ng mga sakuna at kung ang pamahalaan ay may epektibong disaster plan management.
Samantala, ang mga mamamayan na bukas ang loob na ibahagi ang kanilang oras, lakas, at pagmamay-ari ay nagpapakita na may kapasidad ng komunidad na harapin o kaya ay bumangin mula sa dinanas na sakuna o panganib.
VULNERABILITY ASSESSMENT
Ang pagiging vulnerable ng isang lugar ay nangangahulugang mayroon itong kakulangan sa mga nabanggit na kategorya. Bunga nito, nagiging mas malawak ang pinsala na dulot ng hazard.
Sa usapin ng vulnerability ng isang komunidad, kailangan na kaging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard sa kanilang lugar. Tungkulin nika na magkaroon ng kaalaman sa mga panganib at banta na maaari nilang maranasan.
Halimbawa, kung ang isang komunidad ay walang pakialam sa mga programang pangkaligtasan ng kanilang pamahalaan, hindi nila alam ang kanilang gagawin sa panahon ng sakuna o kalamidad.
HAZARD ASSESSMENT
hazard assessment ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharao sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon.
Sa pamamagitan ng hazard assessment, natutukoy kung ano-ano ang mga hazard na gawa ng kalikasan o gawa ng tao na maaaring maganao sa isang lugar.
Pagkakilanian
Predictability
Intensity
Katangian
Manageability
Duration
Force
Frequency
Speed of onset
Farewarning
RISK ASSESSMENT
Kung ang Disaster Prevention ay tumutukoy sa pag-iwas sa mga hazard at kalamidad, sinisikao naman ng mga gawain sa disaster mitigation na mabawasan ang malubhang epekto nito sa tao, ari-arian at kalikasan.
DALAWANG URI NG MITIGATION
Non structural Mitigation
Structual Mitigation
Tumutukoy sa mga paghahandang ginawa sa pisikal na kaayusan ng isang komunidad upang ito ay maging matatag sa panahon ng pagtama ng hazard. Ilan sa halimbawa nito ay ang pagpapagawa ng dike upang mapigilan ang baha, paglalagat ng mga sandbags, pagpapatayo ng mga flood gates, pagpapatayo ng earthquake proof building, at pagsisiguro na mag fire exit ang mga ipinatayong gusali.
Tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama ng hazard. Ilan sa halimbawa nito ay pagbuo ng disaster management plan, pagkontrol sa kakapalan ng populasyon, paggawa mg mga ordinansa at batas, information dissemination, at hazard assessment.