Please enable JavaScript.
Coggle requires JavaScript to display documents.
Community-Based Disaster Risk Reduction Management Plan, Ikalawang Yugto,…
Community-Based Disaster Risk Reduction Management Plan
Disaster Prevention and Mitigation
Mayroon itong dalawang assessment
Capacity Assessment- Sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang hazard.
Risk Assessment- Ang pagtatasa ng peligro sa masusing pagtingin sa iyong lugar o trabaho upang malaman ang mga bagay, sitwasyon, proseso, na maaaring magiing sanhi ng pinsala, partikular sa mga tao.
Natatalakay ang mga pinakamahalagang pagtatasa ng peligro at ipinapakita kung alin ang dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng mga potensyal na sakuna na may kaugnayan sa pagbaha, mga bagyo, lindol, at mga panganib sa industriya.
Ang pag-iwas sa kalamidad. Isang detalyadong kaalaman sa pamamahagi ng posibilidad ng kaganapan ng lahat ng mahahalagang panganib at sa mga pinsala ng ibat-ibang mga klase ng peligro.
Ang maagang pagsasagawa ng mga hakbang sa mga sakuna upang maiwasan ang labis na epekto at panganib na dala sa mga tao. Sa pamamagitan ng mga maagap na hakbang na ginawa bago maganap ang isang emergency o peligro.
Tinataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap ng ibat-ibang sulirinang pangkapaligiran. Mula sa mga impormasyon na nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna o kalamidad. Isinasagawa naman ang Disaster Rusk Assessment kung saan nakapalood dito ang Hazard Assessment, Vulnerability Assessment, at Risk Assessment. Tinataya naman abg kakayahan at kapasidad ng isang komunidad sa pamamagitan ng Capacity Assessment.
Disaster Preparedness
Tinayaya ang pagkilos bilang pangunguna para sa kaligtasan partikular sa mga tao, parehong pisikal na paghahanda at pagsasanay para sa aksyong pang-emergency.
Ito ay paghahanda o mga anunsyo sa sakuna na tumutukoy sa mga hakbang na ginawa upang maging alerto, maging handa at maghanda sa mga paparating na sakuna.
Tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago o sa panahon ng pagsalasa ng kalamidad, sakuna o hazard.
Disaster Rehabilitation and Recovery
Ang Disaster Rehabilitation and Recovery ay nagbibigay ng isang pangkalahatang balangkas at sangunian sa pagplaplano para sa pambansa, panrehiyon, at mga lokal na antas upang gawing simple ang pagplaplano sa rehabilitasyon pagkatapos ng kalamidad.
Ito ay muling panunumbalik ng komunikasyon at transportasyon, supply ng tubig at kuryente, pagkukumpuni ng mga nasirang bahay, sapat na suplay ng pagkain, damit at gamot matapos ang pangyayaring sakuna.
Sa yugtong ito ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo, manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ng pangunahing pamumuhay ng isang nasalantang komunidad.
Disaster Response
Tinataya ang layunin ng tugon sa emerhensiya upang magbigay ng agarang tulong upang mapanatili ang buhay, mapabuti ang kalusugan at suporthan ang moral ng apektadong populasyon. Ang nasabing saklaw ay limitadong tulong, tulad ng pansamantalang tirahan at pagkain hanggang sa pagtaguyod ng permanenteng pag-areglo sa mga kampo at iba pang mg lokasyon.
Nakapaloob dito ang panukala sa pag-asa pagkatapos at habang may kalamidad upang matiyak na ang mga epekto ay nabawasan. Halimbawa: Setting up medical camps and mobilizing resources.
Ang pokus sa yugtong ito ay ang paglalagay ng ligtas sa mga tao, maiwasan ang mga sumusunod na sakuna at matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga tao hanggang sa matagpuan ang mas permanente at pananatiling solusyon.
Ikalawang Yugto
Unang Yugto
Ikaapat na Yugto
Ikatlong Yugto