Please enable JavaScript.
Coggle requires JavaScript to display documents.
CBDRRM PLAN - Coggle Diagram
CBDRRM PLAN
Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation
Hazard Assessment
Tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop at pinsala na maaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahahahrap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon.Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.
Capacity Assessment
Tinataya ang kakayahan ng komunidad na harapin ang iba't ibang uri ng hazard.
Vulnerability Assessment
Tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard.
Risk Assessment
Tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad, at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan.
Sa bahaging ito ng Disaster Management Plan tinataya ang mga
Hazard
at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba't ibang suliraning pagkapaligiran
IKALAWANG YUGTO: DISASTER PREPAREDNESS
Ang ikalawang yugto ay tinatawag na Disaster Preparedness. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard
Layunin
1. To Inform
– magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal na katangian ng komunidad.
2. To Advise
– magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksiyon, paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard.
3. To Instruct
– magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na dapat puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tulong sa oras ng sakuna, kalamidad, at hazard.
IKATLONG YUGTO: DISASTER RESPONSE
Ang ikatlong yugto ay tinatawag na Disaster Response. Sa pagkakataong ito ay tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad.
Tatlong Uri ng Pagatataya :
1. Needs Assessment
– tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit at gamot.
2. Damage Assessment
- tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng kalamidad.
3. Lost Assessment
– tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo at pansamantala o pangmatagalan pagkawala ng produksiyon.
IKAAPAT NA YUGTO: DISASTER REHABILITATION AND RECOVERY
Tinatawag din ng yugto na ito na
Rehabilitation.
Sa yugtong ito ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalng pangunahing serbisyo manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang nasalantang komunidad.
Mga Halimbawa
Pagpapanumbalik ng Sistema ng Komunikasyon at Transportasyon
Supply ng Tubig at Kuryente
Pagkumpuni ng Bahay
Sapat na Suplay ng Pagkain, Damit, at Gamot