Please enable JavaScript.
Coggle requires JavaScript to display documents.
CBDRRM PLAN - Coggle Diagram
CBDRRM PLAN
Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness
Ang ikalawang yugto ay tinatawag na Disaster Preparedness. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard.
*To advise:
magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksiyon, paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard.*
*To Instruct:
magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na dapat puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tulong sa oras ng sakuna, kalamidad, at hazard.*
*To inform:
magbigay kaalaman tungkolsa mga hazard, risk, capability, at pisikal na katangian ng komunidad.*
Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation
Sa bahaging ito ng disaster management plan, tinataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba't ibang suliraning pangkapaligiran.
*Hazard Assessment:
Ito ay tumutukoy sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon.*
*Vulnerability Assessment:
tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard.*
*Capacity Assessment:
tinataya ang kakayahan ng komunidad na harapin ang iba't ibang uri ng hazard.*
*Risk Assessment:
Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan.*
Ikatlong Yugto: Disaster Response
Ang ikatlong yugto ay tinatawag na Disaster Response. Sa pagkakataong ito ay tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad.
*Damage Assessment:
ay tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng kalamidad.*
*Loss Assessment:
ay tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo at pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng produksyon.*
**Needs Assessment:
ay tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit, at gamot.**
Ikaapat na Yugto: Disaster Rehabilitation and Recovery
Tinatawag din ang yugto na ito na Rehabilitation. Sa yugtong ito ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo.
Pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon
Pagkumpuni ng bahay
Pagpapanumbalik ng sublay ng tubig at kuryente
Sapat na suplay ng pagkain, damit at gamot