Please enable JavaScript.
Coggle requires JavaScript to display documents.
KASAYSAYAN NG PANITIKANG PILIPINO - Coggle Diagram
KASAYSAYAN NG PANITIKANG PILIPINO
Panitikan sa Panahon ng Katutubo
Alibata ang sistema ng pagsulat ng mga katutubo na ang paraan ng pagsulat ay patindig, buhat sa itaas pababa at ang pagkakasunod-sunod ng mga talata ay buhat sa kaliwa, pakanan.
Mayroon ng sarilimg pamahalaan, sariling batas, pananampalataya, sining, panitikan at wika.
Bago paman dumating ang mga kastila'y may sarili nang kalinangan ang Pilipinas.
Sa panahong ito, mayaman sa mga kuwentong -bayan ang Pilipinas. Ito ang kabang-yaman ng ating panitikan.
Biyas na kawayan, mga dahon ng palaspas o balat ng punongkahoy ang mga ginagamit na pinakapapel
Dulo ng matutulis na bakal o iyong tinatawag sa ngayong lanseta ay ang pinakapanulat.
Pantikan sa Panahon ng Kastila
Nahahati ang panitikan sa dalawa ang panahong ito; una ay pamakasang pananampalataya at kabutihang asal at ang ikalawa ay panitikang panrebolusyon.
Sa panahon ng panitikang Rebolusyonaryo at Sedisyo, karamihan sa mga panitikang nilikha ay may diwang Rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang Pilipino sa di-makataong pagtrato ng mga kastila
Pangunahing layunin ng kastila ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto upang lalong mapabantog ang kanilang nasasakop.
Karaniwan sa mga unang akdang nilikha sa panahong ito ay halos paksang pananampalataya. Ipinakilala rin nila ang pagiging dugong bughaw ng mga Pilipino na sumasalamin sa dignidad at tungkulin ng mga nasa posisyon tulad ng mga reyna, hari, prinsipe, prinsesa at datu.
Dumating ang mga kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs - GOD, GOLD at GLORY.
Sa panahong ito nalimbag ang pinaka unang aklat sa bansa; ang Doctrina Christiana na nalimbag noong 1553 na isang panrelihiyong aklat.
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Sa panahon ng malasariling pamahalaan ito ay nalalapit nang magwakas ang pananakop ng mga Amerikano hanggang sa panahon ng Hapon.
Nahahati sa tatlo ang panahong ito; panahon ng paghahangad ng kalayaan; panahong romantisismo sa panitikan; panahon ng malasariling pamahalaan.
Sa ilalim ng batas sedisyon ay hindi sila maaring magsulat nang lantaran ni sa paraang pahiwatig ng kahit na anong makapagpapaalab sa damdaming makabayan laban sa mga Amerikano.
Sa panahon ng paghahangad ng kalayaan ay nabigyan ng kalayaan ang mga Pilipino subalit katatakang may malaking balakid na humadlang sa pagsupling ng panitikang makabayan.
Sa panahong ito, hindi pa rin ganap na malaya ang pagsusulat ng mga Pilipino.
Sa panahon ng Romantisismo sa Panitikan ay yaong nagbibigay ng aral batay sa mga ipinangangaral ng reliyong Kristiyanismo.
Panitikan sa Panahon ng pananakop ng Hapon
Noong Disyembre 8, 1941 nangyari ang ikalawang digmaang pandaigdig sa Asya nong pinasabog ang Hapon ang Pearl Harbor ng Hawaii.
Nanlasa ang Japanese Imperial Army sa buong Asya kabilang ang Pilipinas.
Naging mahirap ang buhay ng mga Pilipino sa kamay ng Hapon.
Ipinahinto ang proseso ng mga pahayagan maliban sa liwayway.
Binasura ang mga panitikan na nasa wikang Ingles
Pinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles maging sa pahayagan at magasin.
Noong Oktubre 14, 1943 itinatag ang Republika ng Pilipinas na naging dahilan nag pag-unlad nang paggamit ng katutubong wika at tinaguriang gintong panahon ng panitikang Pilipino
Nabuo ang iba't-ibang estilo at genre ng panitikan