Please enable JavaScript.
Coggle requires JavaScript to display documents.
CBDRRM PLAN - Coggle Diagram
CBDRRM PLAN
HAZARDS ASSESSMENT
Hazard Assessment ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaring danasin ng isang lugar ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon.
Sa pamamagitan ng hazard assessment. Natutukoy kung ano-ano ang mga hazard gawa ng kalikasan o ng mga tao na maaaring maganap sa isang lugar.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
CAPACITY ASSESSMENT
Samantala, ang mga mamamayan na bukas ang loob na ibahagi ang kanilang oras, lakas at pagmamay-ari ay nagpapakita ng may kapasidad ng komunidad na harapin o kaya ay bumangon mula sa dinanas na sakuna o panganib.
Sa capacity assessment sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang hazard. Mayroon itong tatlong kategorya: ang pisikal o materyal, panlipunan at pag-uugali ng mamamayan tungkol sa hazard.
Sa aspektong panlipunan naman, masasabing may kapasidad ang isang komunidad na harapin ang hazard kung ang mga mamamayan ay may nagtutulungan upang ibangon ang kanilang komunidad mula sa pinsala ng mga sakuna at kung ang mga pamahalaan ay may epektibong disaster management plan
Sa pisikal o materyal na aspekto, sinusuri kung ang mga mamamayan ay may kakayahan na muling isaayos ang mga estruktura tulad ng bahay, paaralan, gusaling pampamahalaan, kalsada at iba na nasira ng kalamidad.
VULNERABILITY ASSESSMENT
Ang pagiging vulnerable ng isang lugar ay nangangahulugang mayroon itong kakulangan sa mga na kategorya. Bunga nito nagiging mas malawak ang pinsala na dulot ng hazard.
Halimbawa, ang komunidad ay walang pakialam sa mga programang pangkaligtasan ng kanilang pamahalaan hindi nila alam ang kanilang gagawin sa panahon ng sakuna o kalamidad.
Sa usapin ng vulnerability ng isamg komunidad, kailangan na maging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard sa kanilang lugar. Tungkulin nila na magkaroon ng kaalaman sa mga panganib at banta na maaaring maranasan. Bukod dito dapat na maging aktibo rin sila sa paglahok sa mga programa ng pamahalaan kabilang na dito ang tungkol sa disaster management.
RISK ASSESSMENT
Ang risk assessment naman ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna o kalamidad at hazard na may layunin maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan.
Mahalaga ang risk assessment dahil...
- Nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa kanilang komunidad na noon ay hindi nila alam. Sa mamagitan ng risk assessment ay nagkakaroon ng mas matibay na batayan ang maaaring maging epekto ng hazard sa kanilang komunidad.
Mahalaga ang risk assessment dahil...
- Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala sa mga hazard na dapat unang bigyang pansin.
Mahalaga ang risk assessment dahil...
- Isa sa mga mahalaga ang produkto ng risk assessment ay ang pagtatala ng mga hazard at pagtukoy kung alin sa mga ito ang dapat bigyan ng prayoridad o higit na atensyon. Ito ay tinatawag na Prioritizing risk.
Mahalaga ang risk assessment dahil...
- Nagbibigay ng impormasyon at datos na magagamit sa pagbuo ng plano at magsisilbing batayan sa pagbuo ng akmang estratehiya sa pagharap sa mga hazard.
Mahalaga ang risk assessment dahil...
- Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng disaster risk reduction and management plan. Nagiging gabay sa pagbuo ng mga polisiya, programa, proyekto at estratehiya upang maging handa ang komunidad sa pagharap sa iba't-ibang hazard.