Please enable JavaScript.
Coggle requires JavaScript to display documents.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction (CBDRR) -…
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction (CBDRR)
IKALAWANG YUGTO: DISASTER PREPAREDNESS
Ito ay tinatawag na Disaster Preparedness. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard.
Ito ay may tatlong layunin
To inform
– magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal na katangian ng komunidad.
To advise
– magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksiyon, paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard.
To instruct
– magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na dapat puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tulong sa oras ng sakuna, kalamidad, at hazard.
UNANG YUGTO: DISASTER PREVENTION AND MIGRATION
CAPACITY ASSESSMENT
Sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anomang hazard. Ito ay kadalasang naiiuugnay sa vulnerability assessment, pero ang vulnerability assessment ay mas pokus sa pagsusuri ng kahinaan ng tao.
RISK ASSESSMENT
Isang paraan, hakbang o proseso upang matukoy at ma-analayze ang magiging epekto ng isang desisyon na ipapatupad na maaaring magdudulot ng problema. Isinasagawa ang risk assessment upang maiwasan o mapigilan ang pangkalahatang problema na haharapin ng boung ekonomiya o populasyon at magsagawa ng tamang hakbang.
HAZARD ASSESSEMNT
Tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon. Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.
VULNERABILITY ASSESSMENT
tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard Ito ay tumutukoy sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard pisikal panlipunan pag-uugali
IKATLONG YUGTO: DISASTER RESPONSE
Ito ay tinatawag na Disaster Response. Sa pagkakataong ito ay tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad.
Nakapaloob sa Disaster Response ang tatlong uri ng pagtataya:
Needs Assessment
– tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit at gamot.
Damage Assessment
- tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng kalamidad.
Lost Assessment
– tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo at pansamantala o pangmatagalan pagkawala ng produksiyon.
I
KAAPAT NA YUGTO: DISASTER REHABILITATION AND RECOVERY
Tinatawag din ng yugto na ito na
Rehabilitation.
Sa yugtong ito ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalng pangunahing serbisyo manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang nasalantang komunidad.
Mga Halimbawa
Pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon
Supply ng tubig at kuryente
Pagkumpuni ng bahay
Sapat na suplay ng pagkain, damit, at gamot