Please enable JavaScript.
Coggle requires JavaScript to display documents.
MODYUL 8: MGA YUGTO NG MAKATAONG KILOS AT MGA HAKBANG SA MORAL NA…
MODYUL 8: MGA YUGTO NG MAKATAONG KILOS AT MGA HAKBANG SA MORAL NA PAGPAPASIYA
Pamilyar ba sa iyo ang mga salitang: “Bahala na nga,” “Sige na nga,” o kaya naman ay “’P’wede na ‘yan?” Ang mga salitang ito ang nabibigkas mo lalo na kung hindi ka segurado sa iyong pipiliing pasiya o kung nagmamadali ka sa iyong isasagawang kilos.
Bahagi ng buhay ng tao ang magsagawa ng pasiya. Ito ay madalas mong ginagawa sa iyong pang-araw-araw na buhay.
. Para kay Sto. Tomas de Aquino, may 12 yugto ito. Nahahati sa dalawang kategorya:
isip
Pagkaunawa sa layunin
Paghuhusga sa nais makamtan
Masusing pagsusuri ng paraan
praktikal na paghusga sa pagpili
Utos
Pangkaisipang kakayahan ng layunin
kilos-loob
nais na layunin
intensyon ng layunin
paghuhusga ng paraan
pagpili
paggamit
bunga
Moral na Pagpapasiya
Ang bawat kilos ng isang tao ay may dahilan, batayan, at pananagutan
Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.
Sabi nga ni Fr. Neil Sevilla na isang pari sa isang parokya sa Bulacan, simula nang magkaroon ng isip ang tao hanggang sa kaniyang kamatayan, nagsasagawa siya araw-araw ng pagpapasiya
Sa anumang isasagawang proseso ng pagpapasiya, mahalaga na mabigyan ito ng sapat na
panahon
Mga Hakbang sa Moral na pagpasya
Magkalap ng patunay (Look for the facts)
Mahalaga na sa unang hakbang pa lamang ay tanungin mo na agad ang iyong sarili
Isaisip ang mga posibilidad (Imagine possibilities)
Mahalaga na tingnang mabuti ang mga posibilidad na mga pagpipiliang magagawa para sa sitwasyon. Dito ay kailangang makita kung ano ang mabuti at masamang kalalabasan nito.
Maghanap ng ibang kaalaman (Seek insight beyond your own
Hindi sa lahat ng oras o pagkakataon ay alam mo ang mabuti. Kailangan mo pa ring maghanap ng mga magagandang kaalaman na maaaring makapagbigay sa iyo ng inspirasyong makagawa ng tamang pagpapasiya
Tingnan ang kalooban (Turn inward)
Ano ang sinasabi sa iyo ng iyong kalooban tungkol sa sitwasyon? Ano ang sinasabi ng iyong konsensiya? Ano ang personal mong nararamdaman ukol sa sitwasyon? Ang lahat ng katanungan ay kailangan mong sagutin sapagkat sa anumang pasiya na iyong gagawin, kailangan na ikaw ay magiging masaya.
Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos (Expect and trust in God’s help).
Tanging ang Diyos lamang ang nakaaalam ng pinakamabuti para sa atin, kaya’t napakahalaga na tumawag sa Kaniya sa pamamagitan ng panalangin. Ito ang pinakamabisang paraan upang malaman kung ano ang magandang plano Niya para sa atin.
Magsagawa ng pasiya (Name your decision).
Dito ay magsasagawa ka na ng pagpapasiya. Maaari mong tanungin ang iyong sarili kung bakit mo ito pinili.